MANGATAREM, Pangasinan -- Natukoy ng mga ng pulisya ang hindi bababa sa limang kalalakihan na sangkot sa pamamato ng salamin sa bintana ng isang provincial bus dahilan para magtamo ng sugat ang isang pasahero habang binabagtas ang Tarlac-Pangasinan highway sa Brgy. Bogtong Silag, nitong Sabado.

Sa ulat ni Police Major Arthur Melchor Jr, chief of police Mangatarem kay Col. Jeff Fanged, OIC Pangasinan Police Office, sinabi ng opisyal na ang mga naarestong suspek ay kinilalang sina Renny Antonio, Brian Rosario, Reniel Lolarga, Joel Lolarga; at Art Lance, 15, pawang residente ng Brgy Bogtong Silag, Mangatarem.

Kinilala ang biktima na si Rolando Vinluan, isang pasahero, 39-anyos, security guard, at residente ng Brgy Bocboc Aguilar.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Larawan mula Vinluan Family

Iniulat ng bus driver na binabaybay niya ang Tarlac-Pangasinan highway patungo sa hilagang direksyon sakay ng Five Star Bus na may body number 9667 at plate number UWL 817.

Pagdating sa waiting shed ng Brgy. Bogtong Silag, Mangatarem, biglang binato ng limang suspek ang nasabing bus na tumama sa ikalimang bintana sa kanang bahagi.

Nagtamo ng sugat sa noo ang pasahero at agad na dinala sa Mangatarem District Hospital, Brgy Casilagan, Mangatarem. Hindi naman nasaktan ang driver ng bus.

Nasa kustodiya na ngayon ng Mangatarem Police ang mga suspek.

Sinabi ni Major Melchor sa Balita na ang mga suspek ay mahaharap sa kasong frustrated murder at damage to property/malicious mischief.