Naglabas din ng pahayag ang Kapuso actress na si Pokwang hinggil sa pag-ban ng Korean dramas sa bansa. 

Aniya, imbes daw na i-ban ang Korean drama sa Pilipinas ay gayahin na lamang daw ito na kung saan suportado umano ng Korean government ang bawat proyekto nila. 

"Maganda naman po ang inyong hangarin senador na mabigyan kming mga local artists ng trabaho, salamat po," saad ni Pokwang noong Miyerkules, Oktubre 19.

"Pero imbes na i ban ang mga koreanovela gayahin natin sila na suportado ng gobyerno ang bawat proyekto nila at ang buong industriya nila," dagdag pa nito. At may kalakip din itong hashtag na #kungpwedelangnaman.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

https://twitter.com/pokwang27/status/1582710201106731008

Matatandaang naunang sinabi ni Senador Jinggoy Estradana kinokonsidera niyang ipagbawal ang pagpapalabas ng Korean dramas sa Pilipinas.

Dahil masyado na raw tinatangkilik ng mga Pilipino ang mga KDrama at hindi na pinapansin ang mga likhang Pinoy.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/10/19/sen-jinggoy-estrada-kinokonsiderang-ipa-ban-korean-dramas-sa-bansa/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/10/19/sen-jinggoy-estrada-kinokonsiderang-ipa-ban-korean-dramas-sa-bansa/

Gayunman, nilinaw na ng senador ang kaniyang naging mga pahayag, sa pamamagitan ng panayam ng isang programang panradyo. Nasabi aniya ito dahil “out of frustration.”

“Kaugnay sa aking pahayag kahapon sa mga foreign-made shows, my statement stems from the frustration that while we are only too eager and willing to celebrate South Korea’s entertainment industry, we have sadly allowed our own to deteriorate because of the lack of support from the moviegoing public,” aniya sa isang pahayag.

“Wala po akong balak i-ban. That was said out of frustration. Gusto ko talaga Filipino first,” paglilinaw niya.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/10/20/sen-estrada-nilinaw-ang-pahayag-tungkol-sa-banning-ng-k-dramas-foreign-shows-sa-pinas/