Ikinatuwa ni Mayor Ruffy Biazon ang tagumpay ng Muntinlupa bilang most resilient highly urbanized city (HUC) sa bansa sa tatlong magkakasunod na taon. 

Kinilala ang Muntinlupa bilang No. 1 HUC sa bansa sa ilalim ng 2022 Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI).

Ginawaran ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga outstanding local government units (LGUs) sa ginanap na 10th Cities and Municipalities Competitiveness Summit sa Philippine International Convention Center (PICC) noong Huwebes, Oktubre 20.

Proud na ibinahagi ni Biazon ang tagumpay ng Muntinlupa sa kaniyang Facebook page nitong Biyernes, Oktubre 21.

Metro

Hinahanap daw ang anak: Lolo na may Alzheimer’s nahulog sa creek, nalunod!

"Congratulations, Muntinlupa City! Three consecutive years na tayong kinikilala ng DTI Philippines bilang TOP 1 Most Competitive in Resiliency (Highly Urbanized Cities Category)," aniya.

Bukod sa pagiging No. 1 HUC, ginawaran din ang Muntinlupa ng mga sumusunod na parangal:

Top 5 Overall Most Competitive City

Top 4 Most Competitive in Infrastructure

Top 10 Most Competitive in Innovation

"Maraming salamat sa Department of Trade and Industry sa mga pagkilalang ito. Pinapasalamatan din natin si Cong. Jimmy Fresnedi dahil malaki ang bahagi ng mahusay niyang pamumuno sa tagumpay nating ito," ayon pa kay Biazon.

"Talagang masasabi nating, 'Muntinlupa, Nakakaproud'!"

Kaugnay na Balita: https://balita.net.ph/2022/10/21/mayor-vico-sa-nakuhang-parangal-ng-pasig-city-lgu-simula-pa-lang-to/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/10/21/mayor-vico-sa-nakuhang-parangal-ng-pasig-city-lgu-simula-pa-lang-to/