Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na mayroon nang localized community transmission ng Omicron XBB subvariant at XBC variant sa bansa.

“May nakikita tayong datos na nagsusuporta na localized 'yung community transmission,” katwiran ni DOH Epidemiology Bureau Director Alethea de Guzman sa isinagawang pulong balitaan nitong Biyernes.

Natukoy aniya ang local transmission ng XBB subvariant sa Western Visayas habang ang XBC variant ay natukoy naman sa Davao at Soccsksargen.

Hindi aniya magkakaugnay sa isa't isa ang natukoy na local transmission.

“For us, we say na it's localized kasi hindi siya buong bansa. Hindi naminmadeklarana may community transmission sa buong bansa but in selected regions there is already,” anito.

Naitala aniya ng DOH ang 81 na kaso ng XBB subvariant sa Western Visayas at Davao Region, kabilang ang 75 na nakarekober na sa sakit, tatlo naman ang nananatiling nasa isolation habang inaalam pa ang kalagayan ng tatlong iba pa.

Paglilinaw pa ni De Guzman, wala pa silang naitatalang binawian ng buhay sa XBB.

Nakapagtala rin ang DOH ng193 kaso ng XBC Cagayan, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, Central Visayas, Davao, Soccsksargen, Cordillera, Caraga, Bangsamoro, at Metro Manila.