Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. si dating Special Action Force (SAF) commander Moro Virgilio Lazo bilang bagong hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Si Lazo ay uupo bilang director general ng PDEA kapalit ni Wilkins Villanueva.

Pinalitan si Villanueva lagpas isang linggo nang mahuli ng PDEA ang anak ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa ikinasang anti-illegal drug operation sa Las Piñas City.

Bago ipinuwesto sa PDEA, dating naging hepe ng PNP-SAF si Lazo at nanilbihan din bilang hepe ngPNP Firearms and Explosives Office.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Dati rin siyang miyembro ngPresidential Security Group sa panahon ng administrasyong Ramos