Kasalukuyang nasa South Korea ngayon ang aktres na si Bela Padilla para sa shooting ng isang Filipino film. Kaugnay nito, may pahayag din siya hinggil sa usap-usapang pag-ban ng KDrama sa bansa.

"Pinapanood ng mga Pilipino ang kdrama kasi ginagastusan at mataas ang production value ng mga palabas nila," panimula ni Bela sa kaniyang Twitter account nitong Biyernes, Oktubre 21. "I'm currently in South Korea shooting a Filipino film and the difference of how they work is inspiring."

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

https://twitter.com/padillabela/status/1583295634488320000

Bukod dito, ikinalungkot daw niya bilang isang filmmaker sa 'Pinas na hindi raw sila nakakakuha ng suporta mula sa gobyerno hindi kagaya sa SoKor.

"I’m saddened as a filmmaker in the Philippines that we don’t get the same support, funding or help from our government," anang aktres.

"Even the production costs, working hours, talent fees of writers, directors and everybody involved in making a film is too far for us to even compare," dagdag pa niya.

Kung parehas daw ng suporta, makalilikha rin daw ng world-class content ang Pilipinas.

"I agree that if we level the playing field and if filmmakers in the Philippines are given the same respect and support, we definitely could create world-class content too. Sadly that isn’t the case. But to ban certain programs because they're doing better than us is such a petty move," saad ni Bela.

"Be happy for others and learn from their success. Kaya siguro tayo hindi masyadong umaasenso, pinupuna kasi natin ang mga taong masaya. Nakakahiya," patutsada naman niya.

Matatandaang mainit na usapin ngayon ang tungkol sa pag-ban sa mga Korean drama dahil na rin sa naging pahayag ni Senador Jinggoy Estradana kinokonsidera niyang ipagbawal ang pagpapalabas ng KDramas sa Pilipinas.

Gayunman, nilinaw na ng senador ang kaniyang naging mga pahayag, sa pamamagitan ng panayam ng isang programang panradyo. Nasabi aniya ito dahil “out of frustration.”

“Kaugnay sa aking pahayag kahapon sa mga foreign-made shows, my statement stems from the frustration that while we are only too eager and willing to celebrate South Korea’s entertainment industry, we have sadly allowed our own to deteriorate because of the lack of support from the moviegoing public,” aniya sa isang pahayag.

“Wala po akong balak i-ban. That was said out of frustration. Gusto ko talaga Filipino first,” paglilinaw niya.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/10/20/sen-estrada-nilinaw-ang-pahayag-tungkol-sa-banning-ng-k-dramas-foreign-shows-sa-pinas/