Isinailalim pa rin sa Signal No. 1 ang tatlong lalawigan sa northern Luzon dulot ng bagyong Obet na huling namataan patungong Luzon Strait.

Sa pahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nananatili pa ring apektado ng bagyo ang Batanes, Babuyan Islands, at northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana at Gonzaga).

Asahan naman ang katamtaman hanggang sa matinding pag-ulan sa Batanes, Babuyan Islands, northern portions ng Ilocos Norte, Apayao, at mainland Cagayan sa susunod na 24 oras.

Makararanas din ng paminsan-minsang bugso ng ulan sa Batanes, Babuyan Islands, northern portion ng Ilocos Norte, Apayao, at mainland Cagayan.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

“Under these conditions, flooding and rain-induced landslides are likely, especially in areas that are highly or very highly susceptible to these hazard as identified in hazard maps and in localities with significant antecedent rainfall,” ayon pa sa PAGASA.

Huling namataan ang bagyo 205 kilometro silangan ng Basco, Batanes, taglay ang lakas ng hanging 45 kilometer per hour (kph) at bugsong hanggang 45 kilometerper hour (kph) habang kumikilos sa bilis na 20 kph.

Sa pagtaya pa ng PAGASA, posibleng tahakin ng bagyo ang bisinidad ng Batanes-Babuyan Islands area sa Biyernes ng hapon o gabi bago tuluyang lumabas ng Pilipinas sa Sabado ng umaga.