"Naguguluhan" umano si Senador Robinhood "Robin" Padilla kung bakit mas tinatangkilik ng karamihan sa mga manonood na Pilipino ang mga teleseryeng gawa at nagmula sa South Korea o mas kilala bilang "K-Dramas", sa naganap na 2023 budget hearing ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) noong Martes, Oktubre 18, 2022.

Dinaluhan ito ng mga senador gayundin ang bagong talagang FDCP Chairman na si Tirso Cruz III.

Ayon kay Senador Padilla, naguguluhan umano siya dahil para sa kaniya, mas pogi pa raw ang mga artistang Pilipino kaysa sa mga taga-South Korea, kaya bakit daw mas gustong panoorin ang K-Dramas kaysa sa mga programang likha ng local artists. Kahit aniya ay suntukin pa ang kaniyang ilong, hindi umano ito madidisporma dahil hindi ito dumaan sa "Salamat po, Dok".

"Kami po ay naguguluhan dahil kapag tumitingin naman kami sa salamin… mas pogi naman kami sa mga tiga-South Korea. Wala naman inayos sa amin, kasi itong ilong ko kahit suntukin nang ilang beses, walang inayos dito," giit ng senador.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Kaugnay ng isyung ito ay nagpahayag din ng panukala si Padilla na taasan ang taripa ng foreign series na ipinalalabas sa bansa.

Sang-ayon naman ang FDCP Chairman na dapat ay magkaroon ng balanse pagdating sa mga ipinalalabas na serye o pelikula sa bansa, dayuhan man o lokal.

Samantala, dito naman nasabi ni Sen. Jinggoy Estrada ang tungkol sa pagkonsiderang ipagbawal ang pagpapalabas ng mga Korean dramas at iba pang foreign shows sa Pilipinas upang mas mahikayat pang tangkilikin ng mga Pilipino ang sariling likhang shows.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/19/sen-jinggoy-estrada-kinokonsiderang-ipa-ban-korean-dramas-sa-bansa/">https://balita.net.ph/2022/10/19/sen-jinggoy-estrada-kinokonsiderang-ipa-ban-korean-dramas-sa-bansa/

Miyerkules, Oktubre 19, nilinaw ni Estrada na ang kaniyang mga tinuran ay "out of frustration" lamang.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/20/sen-estrada-nilinaw-ang-pahayag-tungkol-sa-banning-ng-k-dramas-foreign-shows-sa-pinas/">https://balita.net.ph/2022/10/20/sen-estrada-nilinaw-ang-pahayag-tungkol-sa-banning-ng-k-dramas-foreign-shows-sa-pinas/