Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City -- Inaresto ng mga awtoridad ang isang miyembro New People's Army (NPA) sa Barangay Calassitan, Santo Niño, Cagayan noong Martes, Oktubre 18.

Kinilala ang suspek na si Jomar Fernandez, alyas "Ron Ron," "Erning," at "Elsie."

Inaresto si Fernandez dahil sa paglabag sa Republic Act 11479 o ang Anti-Terrorism Act of 2020, na walang inirerekomendang piyansa; illegal possession, manufacture, at pagkuha ng mga baril, bala, o pampasabog (Presidential Decree 1866 na inamyendahan ng RA 8294 at RA 9516) na wala ring inirerekomendang piyansa; at ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition, RA 10591, na may inirerekomendang piyansa na P120,000.

Dinala si Fernandez at mga ebidensya sa Santo Niño police station para sa kaukulang disposisyon. 

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito