Muli na namang inilunsad ng University of the Philippines-Diliman Gender Office (UPDGO) ang pamamahagi ng libreng condom at lube sa kanilang opisina sa Lagmay Hall.

"Maaari na muling kumuha ng mga condom at lube sa opisina, sa labas ng opisina at maging sa gwardya ng Lagmay Hall," anang unibersidad.

National

Amihan, ITCZ, patuloy na nakaaapekto sa malaking bahagi ng bansa – PAGASA

Ang inisyatibong ito ay sa pakikipagtulungan ng Safe Spaces PH.

Samantala, sa darating na Oktubre 25 hanggang 26, magkakaroon ng libreng human immunodeficiency virus (HIV) at counseling ang UP Los Baños, kasabay rin ng pamimigay ng libreng condoms at lubricants.

"As part of OVCCA's 25th Anniversary Celebration-Kalusugan Fiesta, UPLB Gender Center, in partnership with LoveYourself Inc, will be sponsoring a two-day FREE HIV SCREENING and Counseling (25-26 October 2022)," pahayag ng UPLB Gender Center sa kanilang Facebook page.

Ang programa ay bukas sa lahat, mapa UPLB constituents o hindi.