Usap-usapan sa Twitter ang sagot ng contestant na si "Buunja" sa jackpot round ng top-rating game show ng GMA Network, ang "Family Feud", na hino-host ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes tuwing hapon.
Sa Wednesday episode ay naglaban-laban ang "Nightmares Manila" at "League of Lodis" kung saan kabilang si Buunja. Siya ang napili ng kaniyang "pamilya" para sagutin ang mga tanong sa jackpot round.
Sa naturang jackpot round, natanong kay Buunja kung anong body part ang nagsisimula sa letrang T.
Walang patumanggang "titi" ang isinagot ni Buunja, dulot marahil ng tumatakbong oras. Hindi naman nagpatinag si Dingdong at tuloy-tuloy lamang sa pagtatanong sa kalahok.
Marami naman ang pumuri sa propesyunalismo ni Dingdong, dahil sa halip daw na matawa at madistract ang kalahok, ay nagtuloy-tuloy lamang ito.
Samantala, nagkomento naman dito ang batikang writer ng ABS-CBN at Palanca awardee na si Jerry B. Grácio.
"Ba't kailangan i-censor ng Family Feud ang titi? E titi naman talaga ang titi. Or tite. Or utin, butò, votò, lusò, gulut in other Philippine languages. Is it ok to say penis & not titi? Ano problema n'yo sa titi, mas gusto n'yo ba ang burat or tarugo?"
Ayon pa sa isa niyang Facebook post, "Hindi Family Feud ang may kasalanan sa censorship ng words like titi or súso. Kasalanan ng MTRCB with their backward prudishness & misplaced values. Dapat talaga, i-abolish na ang agency na 'yan."
Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/20/family-feud-trending-dahil-sa-sagot-ng-isang-contestant-sa-jackpot-round-jerry-b-gracio-nag-react/">https://balita.net.ph/2022/10/20/family-feud-trending-dahil-sa-sagot-ng-isang-contestant-sa-jackpot-round-jerry-b-gracio-nag-react/
Hati naman ang naging reaksiyon at saloobin ng madlang netizen tungkol dito. Anila, may punto ang sinasabi ni Grácio dahil wala namang masama sa mga salitang ito; ito talaga ang katawagan sa mga pribadong bahagi ng katawan ng tao sa wikang Tagalog/Filipino. Bakit daw kapag nasa wikang Ingles ay okay lang, gaya ng "penis", "vagina", o maging ang "sex"?
May ilan din namang netizen ang nagsabing ang mga ganitong salita ay maituturing na "taboo" o hindi kinasanayang gamitin sa publiko lalo't may mga batang nakaririnig o nakapapanood.
Dahil dito, nag-trending din ang MTRCB o Movie and Television Review and Classification Board. Ito ay ahensyang panggobyerno na responsable sa "classification and review of television programs, motion pictures and home videos."
Narito ang ilan sa mga sinabi ng madlang netizen sa Twitter world:
"MTRCB is nothing but a hypocrite. Them censoring most of media even though there's a notice like G, PG, and SPG before and after a show is over of the reason why Pinoy shows suck. Some writers and directors don't have much creative freedom."
"Ano rin po problema mo why you question the censorship done by the program? Hello MTRCB exist. Alam ng programa paano maging "MAINGAT/CAUTIOUS" while still proceeded to air the episode. You're affiliated with a local network right? Di ba po dapat alam mo yan?!"
"May point si Sir Jerry, wala naman masama kung inormalize natin at hindi bigyan ng malisya yung pagsasabi ng reproductive organs and it's 2022, dapat open na tayo sa mga ganitong topic. kaso MTRCB still exists, I think sumusunod lang si Family Feud sa guidelines nila."
"Network war thingy pa rin ba ito Sir? Alam naman natin na may MTRCB. Unnecessary at misplaced barda energy."
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang pamunuan ng Family Feud, GMA Network, o MTRCB hinggil sa isyung ito.