Umaapela ang Caritas Philippines sa pamahalaan na pag-ibayuhin ang pagtugon sa lumalalang suliranin sa ekonomiya ng bansa higit na sa pagkain.

Sinabi ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, national director ng Caritas Philippines, nitong Huwebes na pinalala ng pandemya at digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mahihirap, presyo ng mga bilihin at mga nagugutom.

Iginiit din ng obispo na dapat ring bigyan ng pagkakataon ang bawat mamamayan na magkaroon ng sapat na suplay ng pagkain lalu sa mga kanayunan.

“The effect of the COVID-19 pandemic combined with the Russia-Ukraine war, climate change, and our country’s dependence on imports has increased the price of basic commodities. This situation made it even harder for Filipinos to afford healthy food, hence the government should not be blind to the woes of its citizens and should implement programs to mitigate the situation. It’s time to stop the partying and focus on the concerns that are close to the stomach of the citizenry,” ayon kay Bagaforo, sa church-run Radio Veritas.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Samantala, tiniyak naman ni Father Tony Labiao, executive secretary ng Caritas Philippines, ang pakikipagtulungan sa Department of Agriculture (DA) upang mapatibay ang produksyon ng pagkain sa bawat diyosesis.

“As part of our policy on principled cooperation, we are partnering with the Department of Agriculture for programs to help our farmers in the dioceses to strengthen food production and promote sustainable agriculture and organic farming,” aniya.

Upang makatulong sa mga nangangailangan, nagpapatuloy din ang 'Holistic Family Feeding Program' ng Social Arm ng Catholic Bishops' Conference of the Philippine na pinapakain at tinuturuan ng mga livelihood programs ang 300-pamilya sa anim na magkakaibang diyosesis.

Batay sa datos ng Social Weathers Stations, aabot sa 2.9-pamilya ang nakaranas ng kagutuman noong 2nd quarter ng 2022, habang inaasahan naman ng World Bank na aabot sa 17.1% ang kabuuang poverty rate na maitala sa Pilipinas ngayong taon.

Sa kasalukuyan, hindi pa rin nareresolba ng pangulong Ferdinand Marcos Jr., bilang kalihim ng Department of Agriculture ang mataas na presyo ng bigas, sibuyas, mga gulay at laganap na smuggling ng mga agricultural products.