Hindi balita ang inulat ng GMA News reporter na si Joseph Morong kundi isang senaryong nasaksihan niya mismo sa isang lugar na hindi na niya pinangalanan.

Nakuhanan ng litrato ni Joseph ang isang lolo na sinusubuan ng pagkain ang isang batang lalaki habang nakaupo sa gilid ng halamanan, ayon sa kaniyang Facebook post nitong Huwebes, Oktubre 20.

Noong una, akala raw ni Morong ay apo ng lolo ang batang lalaki, subalit mas nakaaantig pala ang kuwentong nasa likod nito.

"Initially thought it’s a Lolo and his apo sharing a meal but turns out Kuya adopted the kid from a Mom who had mental health problems. He took pity on the kid when he was little because he was just sleeping on cardboards near the city hall. He has been with him for 6 years," ani Joseph.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ibinahagi rin ni Joseph ang kaniyang mga napagnilayan dito.

"Truly, sometimes, those who have little have so much more to give."

"At hindi sila ganid."

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Sa panahon ngayon mahirap maging mabait at aabusuhin ka. Yan ang totoo."

"Totally agree with you Sir Joseph, 'those who have little have so much more to give'".

"Tama minsan 'yong mga mapera o mayaman 'yon pa ang madamot at makasarili real talk."

"Salamat po sa pagmumulat na may mabuti pa ring Pilipino sa panahon ngayon."

"Humanity is alive. It brought me to tears."

Hindi naman ibinigay ni Joseph kung ano ang pangalan ng lolo at batang lalaki.