TABUK CITY, Kalinga – Patay ang dalawang empleyado ng pamahalaang panlalawigan nang mahulog ang kanilang sasakyan sa isang irrigation canal sa Barangay Tanglag,Tabuk City, nitong Huwebes, Oktubre 20.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Gerald Tomas Gagelonia, 36, nurse sa Kalinga Provincial Hospital at driver ng sasakyan, at Marlon Agnaya, isang kawani ng kapitolyo ng probinsya.

Sinabi ni Romeo Vargas Dequeros, 56, may-ari ng bahay malapit sa pinangyarihan ng aksidente, sa Traffic Management Unit ng Tabuk City Police Station na nagising siya sa malakas na tahol ng aso sa labas.

Tumingin siya sa labas ngunit wala siyang nakitang sa lugar.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Alas-8;00 ng umaga, nagising si Dequeros at nakita niya ang isang sasakyan na lumubog sa irigasyon kaya tumawag siya ng pulis para humingi ng tulong.

Ang mga biktimang residente ng lungsod na ito ay dinala sa Kalinga Provincial Hospital dito ngunit idineklara silang dead on arrival ng attending physician na si Dr. Goldamear Chulsi Maling.

Natukoy ng pulisya sa isang imbestigasyon na nangyari ang aksidente alas-12:20 ng madaling araw.