MOSCOW, Russia – Idineklara ng Pangulo ng Russia na si Vladimir Putin nitong Miyerkules ang batas militar sa mga rehiyon ng Donetsk, Lugansk, Kherson at Zaporizhzhia ng Ukraine matapos umanong masakop na ng Moscow.

“I signed a decree to introduce martial law in these four subjects of the Russian Federation,” sabi ni Putin sa isang press briefing ng National Security Council.

Kasunod nito, inilathala ng Kremlin ang isang kautusan na nagsasabing ang batas militar ay ipatutupad sa unang bahagi ng Huwebes.

Ang anunsyo ni Putin ay nailatag habang ang mga puwersa ng Ukraine ay naiulat na umusad sa teritoryong hawak ng Moscow sa loob ng maraming buwan.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“The Kyiv regime refused to recognize the will of the people, rejects any proposals for negotiation, gunfire continues, civilians are dying,” sabi ng 70-taong-gulang na pinuno ng Russia.

Inakusahan niya ang Ukraine ng paggamit ng “terrorist methods”..

“They send sabotage groups into our territory,” aniya, at sinabing napagtagumpayan ng Moscow ang iba pang mga pag-atake matapos ma-target ang tulay nito sa Crimea “including at our nuclear power facilities.” 

Sa ilalim ng batas ng Russia, pinapayagan ng batas militar ang pagpapalakas ng militar, mga curfew, mga limitasyon ng paggalaw, mga censorship at interning ng mga dayuhang mamamayan.

“We are working on solving very complex large-scale tasks to ensure security and protect the future of Russia,” sabi ni Putin.

Agence-France-Presse