Isang accountant mula General Santos City ang latest na lucky winner ng Mahzooz draw sa Abu Dhabi, United Arab Emirates (UAE).

Sa isang ulat ng GMA News Online, isang Joana, 39-anyos, ang masuwerteng mananaya at overseas Filipino worker (OFW) na mag-uuwi ng nasa P1.60 million.

Balak naman ilaan ng Pinoy expat para sa isang lote sa kaniyang hometown ang napanalunang papremyo.

“Super saya ko talaga I still find it hard to believe. I am still trying to digest everything, letting it sink in,” anang Pinay sa banyagang bansa mula pa taong 2008.

BALITAnaw

Ogie Diaz, pinagsabihan si Mark Fernandez nang makita 'bird' ng aktor

Pagbabahagi ni Joana, noong kaputukan ng pandemya lang umano siya unang nahumaling sa Mahzooz draw na kalauna’y naging linggo-linggo na niyang tradisyon.

Ang accountant ang ikalawang Pinay na nanalo sa nasabing draw ngayong Oktubre.

Una nang nakuha ng isang Carrol, 43, mula Lapu-Lapu City sa Cebu, ang parehong halaga matapos masuwerte ring mahulaan ang lucky Mahzooz number.