May paalala sa mga kaanak ng Overseas Filipino Workers o OFW si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Chief Arnell Ignacio na huwag gawing parang automated teller machines (ATM) o bangko ang mga mahal sa buhay na nagsasakripisyo at nagbabanat ng buto sa ibayong dagat, dahil pinaghihirapan din nila nang labis kung anuman ang kinikita nila.

“Panawagan ko sa mga pamilya ng OFW, ‘yung inyo pong mahal sa buhay na nag-aabroad na kumikita (ng pera), eh hindi ho ‘yan parang bangko na lagi na lang natin hinihingan ng pera doon para sa pangangailangan natin," sey ni Ignacio.

Nakaka-relate si Ignacio sa kalagayan ng mga OFW abroad dahil bago pa man siya sumabak sa showbiz bilang komedyante at host, naranasan na niyang magtrabaho sa ibang bansa at mapalayo sa pamilya.

Sa halip daw na laging "tumanghod" at ilahad ang mga palad sa kanila, mas dapat daw silang unawain at iparamdam sa kanila ang compassion at pagmamahal.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

Sa bahagi naman ng OWWA, tiniyak ni Ignacio na ginagawa nila ang lahat upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga OFW sa ibang bansa, lalo na sa mga nakararanas ng pagmamaltrato sa kani-kanilang amo, o kaya naman ay nakararanas ng depresyon.