Napansin ng TV host na si Bianca Gonzalez na tila "level up" na ang mga kumakalat na spam text ngayon sa pamamagitan ng mobile numbers, na ang layunin ay makapanloko ng mga tao sa pamamagitan ng iba't ibang pakulo.
Napansin umano ni Bianca na may Chinese characters na rin ang latest spam text na natanggap niya.
"Yung spam text ngayon, level up, Chinese characters na! Nakakuha na din ba kayo ng ganun? 😳" tanong ni Bianca sa mga netizen sa pamamagitan ng kaniyang tweet nitong Martes ng hapon, Oktubre 18.
Marami naman sa mga netizen ang nagbahagi rin ng kanilang pagkakatanggap ng naturang spam text.
Samantala, kamakailan lamang ay nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ang "SIM Card Registration Act" na magbibigay ng proteksyon umano sa mobile phone users.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/10/sim-card-registration-act-pirmado-na-ni-marcos/">https://balita.net.ph/2022/10/10/sim-card-registration-act-pirmado-na-ni-marcos/
Isa umano sa masosolusyunan nito ay ang talamak na pagpapadala at pagtanggap ng spam texts na may kalakip na link. Ang link na ito ang sinasabing daan upang makakuha ng mga personal at confidential na impormasyon at detalye ang mga scammer sa kanilang bibiktimahin.