Miski si Cavite Governor Jonvic Remulla ay fan din ng Korean popular music at Korean dramas. Kaya naman tila hindi siya pabor kung ipagbabawal ang pagpapalabas ng mga ito sa Pilipinas.

"Tulad ng maraming Caviteño, ako mismo ay fan ng KPop at KDramas. I think they strike a chord in the heart of Filipinos," saad niya sa kaniyang Facebook post nitong Miyerkules, Oktubre 19.

"At the height of the pandemic when most of us were locked in our homes, KDramas and KPop gave many Filipinos hope and inspiration," dagdag pa ng Cavite governor.

Binigyang diin ni Remulla na ang mga Korean ang top tourist sa Pilipinas.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"Koreans also make the top tourist arrivals in the Philippines. They love our country while we love them for their world-class entertainment. There are no boundaries in pop culture," aniya.

Payo pa niya, "learn and take inspiration from what the Koreans have achieved. Kaya natin yan."

Matatandaang sinabi ni Senador Jinggoy Estradana kinokonsidera niyang ipagbawal ang pagpapalabas ng Korean dramas sa Pilipinas.

Dahil masyado na raw tinatangkilik ng mga Pilipino ang mga KDrama at hindi na pinapansin ang mga likhang Pinoy.

“Ang aking obserbasyon pagpatuloy tayo nagpapalabas ng Korean telenovela, ang hinahangaan ng ating mga kababayan ay itong mga Koreano at nawawalan ng trabaho at kita yung ating mga artistang Pilipino,” saad ng senador.

“Kaya minsan pumapasok sa aking isipan na i-ban na itong mga telenovela ng mga foreigners at dapat ang mga artista nating Pilipino, talagang may angking galing sa pag-arte ay ‘yun naman dapat ang ipalabas natin sa sariling bansa natin.”

“Kung ang pino-promote natin ay mga produkto ng Koreano, kaya nagkakaroon tayo ng halos maraming produktong Korean dito sa atin imbis na i-promote natin yung sarili natin ang napo-promote natin yung mga banyaga,” dagdag pa ng mambabatas.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/19/sen-jinggoy-estrada-kinokonsiderang-ipa-ban-korean-dramas-sa-bansa/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/10/19/sen-jinggoy-estrada-kinokonsiderang-ipa-ban-korean-dramas-sa-bansa/

Kaugnay na Balita: https://balita.net.ph/2022/10/19/chito-miranda-sa-pagbabawal-sa-foreign-shows-earn-the-support-di-pwedeng-sapilitan/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/10/19/chito-miranda-sa-pagbabawal-sa-foreign-shows-earn-the-support-di-pwedeng-sapilitan/