Hinikayat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang publiko na magtungo na sa pinakamalapit na lotto outlets sa kanilang lugar at tumaya na sa kanilang mga lotto games.

Ito’y upang magkaroon sila ng pagkakataong magiging susunod na instant multi millionaire, ngayong inaasahang higit pang tataas ang mga papremyo ng kanilang mga lotto games.

Batay sa jackpot estimates na inilabas ng PCSO nitong Miyerkules, nabatid na aabot na sa P177 milyon ang jackpot prize ng SuperLotto 6/49 na bobolahin sa Huwebes ng gabi.

Nabatid na walang nakahula sa six-digit winning combination ng SuperLotto 6/49 na26-22-36-41-06-19 na binola nitong Martes ng gabi, kaya’t hindi naiuwi ang katumbas nitong jackpot prize na P170,399,131.20.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang jackpot prize naman ng UltraLotto 6/58 na bobolahin sa Biyernes ng gabi ay inaasahang papalo na sa P146 milyon.

Ito’y matapos na walang makahula sa six-digit winning combination nito na 32-04-23-27-10-21 na binola rin nitong Martes ng gabi at may katapat na jackpot prize na P139,640,275.60.

Samantala, ang jackpot prize naman ng Lotto 6/42 na bobolahin rin sa Huwebes ng gabi ay aabot na rin sa P15 milyon dahil wala ring nakahula sa six-digit winning combination nito na42-35-04-27-05-37 na binola nitong Martes ng gabi at may jackpot prize na P13,183,447.20.

Ang SuperLotto 6/49 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo habang ang UltraLotto 6/58 naman ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Ang lotto draw naman ng Lotto 6/42 ay tuwing Martes, Huwebes at Sabado.