Arestado noong Martes, Oktubre 18, ng mga operatiba ng Eastern District Anti-Cybercrime Team (EDACT) ang anim na lalaki na nahuling tumataya sa online sabong sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.

Kinilala ng EDACT ang mga suspek na sina Roger Altiche, Julius Francisco, at Monddie Castrono, pawang mga tricycle driver; Rolando Belen, isang jeepney driver; Noe Ronapo, isang motorshop owner; at Manuel Pangos, isang kolektor.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nakatanggap ang EDACT ng reklamo mula sa isang concerned citizen na nagsasabing mayroong mga indibidwal na “talamak na naglalaro” ng online sabong sa isang merchandise store sa barangay.

Nagsagawa ng surveillance at validation operations ang mga miyembro ng EDACT na pinamumunuan ng team leader na si Maj. Ely Compuesto II,  sa loob ng nasabing tindahan.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Ang mga suspek ay "nahuli sa aktong tumataya online gamit ang cellphone ni Julius Francisco," sabi ni Compuesto sa isang pahayag.

Ang mga suspek ay nai-book at naidokumento sa tanggapan ng EDACT bago inilipat sa Detention Cell ng Pasig City Police Station.

Nahaharap sila sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 sa illegal gambling, in relation to Section 6 of Republic Act No. 10175 o ang “Cybercrime Prevention Act of 2012.”

Khriscielle Yalao