Isang buwan bago tumulak sa Uganda para sa kaniyang international bid sa Miss Planet International 2022, ipinanawagan ng Pinay beauty queen ang pangmatagalang turismo bilang pangunahing adbokasiya.

Ito ang laman ng latest Instagram post ng komedyana, Youtuber at ngayon ay beauty with a purpose na si Herlene Budol.

“Kahit saan ka mag punta, bigyan lang natin magandang ngiti kahit mahirap ang buhay hinaharap natin mga KaSquammy, KaHiponatics at KaBudol ko dyan,” mababasa sa IG post ng online at TV personality.

Basahin: Wilbert Tolentino, gagastos ng professional translator para sa pagsabak ni Herlene Budol sa int’l pageant – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Paghihikayat niya sa kaniyang followers, “Samahan nyo ako sa laban ko para sa Pangmatagalang Turismo.”

Pangunahing adbokasiyang “sustainable tourism” ang itinutulak ng Pinay titleholder sa international arena.

Matatandaang primaryang panawagan ng pageant brand ang pangangalaga sa planet earth sa pamamagitan ng pagtalima sa Sustainable Development Goals (SDGs) ng United Nations Development Program (UNDP).

Basahin: Herlene, opisyal nang inendorso ng Binibining Pilipinas bilang manok ng bansa sa Miss Planet Int’l – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Malaki ang naiaambang nito sa ekonomiya ng bansa, kaya dapat natin tuunan ng pansin ang pagpapanatili nito at tiyakin na walang makokompromiso sa ecology, habitat at ecosystem,” pagpapaalala ng beauty queen.

Aniya pa, “ang planeta natin ay isang tourist spot, alagaan natin ito.”

Sa Nobyembre 19 gaganapin ang Miss Planet International competition.