Ang forensic scientist at Binibining Pilipinas International 2021 Hannah Arnold ang latest personality na nagpahayag ng suporta sa Masungi Georeserve project sa Rizal.

Bago tumulak sa kaniyang Miss International 2022 bid sa Japan sa Disyembre, tila abala ngayon ang beauty queen para sa ilang ground works ng kaniyang advocacies, kabilang ang sustainable conservation development.

Basahin: Official photo ni Hannah Arnold sa Miss Int’l, pinusuan ng netizens, kapwa beauty queens – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa kaniyang Instagram post, namataan ang Pinay titleholder sa conservation area noong Linggo, kung saan nanguna rin siya sa isang tree-planting activity.

Human-Interest

Paano nga ba mag-goodbye ang ilang Gen Zs bago mag-New year?

“The whole experience was enlightening but the tree nurturing was my favourite part, not only because of the view but we were able to help bring life back in the abused land, whilst learning so much about the native trees and how our help will assist natural regeneration in the area, 🪴🪱” mababasa sa IG post ng beauty queen, Miyerkules, Oktubre 19.

“With the Sustainable Development Goals being our focus this year in Miss International, I’m happy to say that the Masungi Geopark Project recently won the United Nations SDG Action Award under the Inspire category,” dagdag niya.

Kalakip ang mga panawagang #SaveMasungi, at #NoToLandGrabbers, sa huli, hinikayat niya rin ang kaniyang followers na bisitahin ang conservation project at magbigay ambag sa environmental initiative.

Sa Baras, Rizal matatagpuan ang award-winning Masungi Georeserve.

Basahin: Panawagan sa pagdiriwang ng kaarawan ni SB19 Justin kasama ang fans: #SaveMasungi – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid