Matutupad na rin ang matagal nang hinihintay ng mga rider na maglagay ng exclusive motorcycle lane sa 12.4 kilometrong Commonwealth Avenue sa Quezon City na tinaguriang 'killer highway' ng Pilipinas.

Sa pahayag ni Metro Manila Development Authority (MMDA) acting chairman Carlo Dimayuga, nabuo ang plano matapos magpulong ang Metro Manila Council kung saan nagkasundo ang mga alkalde at kinatawan ng mga lungsod na maipatupad ang hakbang.

"All the Mayors agreed na nararapat na rin po na maglagay po tayo ng sariling lane for motorcycle sa Commonwealth," aniya.

Iikot muna ang mga tauhan ng MMDA sa lugar upang matukoy kung saan ang "bottleneck" o mga bahagi ng kalsada kung saan naiipon ang mga sasakyan dahil sa pagkipot nito.

Metro

Tricycle driver, pinagtulungang patayin ng mga kapitbahay?

"It is approved until ma-finalize po namin 'yung mgakikipotatluluwagnamotorcylelane. If we will have the Metro Manila Council meeting after the Undas, by the end of November, I think ma-implement na po natin iyan," ayon sa opisyal ng MMDA.

Binanggit ni Dimayuga, mananatiling outermost lane ang bike lane na pipinturahan ng berde, pipinturahan naman ng dilaw ang katabing PUV (public utility vehicle) lane at asul naman sa motorcycle lane.

Gayunman, pagmumultahin ang mga rider na lalabas sa kanilang lane, kasama na rin ang mga motoristang papasok sa exclusivemotorcycle lane.

Bago tuluyang ipatupad, magkakaroon muna ng dry run sa exclusive motorcycle lane sa Nobyembre.

Matatandaang nakapagtatala ng lima hanggang 10 ang namamatay sa Commonwealth Avenue araw-araw dahil sa kawalan ng signages, kakulangan ng traffic lights, at iba traffic regulations.

Kabilang lang sa namatay sa aksidente sa lugar si Makati City Regional Trial Court Judge Reynaldo Laygo, at asawang si Layla.

Sa report ng pulisya, minamanehong huwes ang kanyang itim na Pajero sa labas ng Don Jose Subdivision, kasama ang asawa, nang bigla silang salpukin ng Corimba Express Inc. bus noong Disyembre 2010.