Nagtangkang lumabas ng bansa ang dating officer-in-charge ng Department of Budget and Management-Procurement Service (PS-DBM) na si Lloyd Christopher Lao kahit kabilang ito sa lookout bulletin ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa pagkakadawit sa umano'y maanomalyang pagbili ng P2.4 bilyong halagang ng mga laptop para sa mga guro.
Sa isang pagpupulong sa Maynila nitong Miyerkules, isinapubliko niSenate Blue Ribbon Committee Chairman Francis Tolentino na muntik nang makaalis ng bansa si Lao at patungo sana ito sa Singapore nitong nakaraan buwan.
"Humingi siya ng clearance. Napagkasunduan ng majority... ng new blue ribbon committee members na hindi siya bigyan ng clearance, but I was informed that there was an attempt last month to Singapore, naharang lang ng Immigration," pahayag ni Tolentino, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee.
Sa pagsisimula pa lang aniya ng pagdinig ng komite sa naiulat na overpriced at outdated na mga laptop, humihingi na ng clearance si Lao kasabay ng hiling na tanggalin na ito sa lookout bulletin
Idinahilan na wala na siyang kinakaharap na contempt sa Senado.
Gayunman, tinanggihan ng mga miyembro ng komite ang apela ni Lao.
Katwiran ni Tolentino, hindi maaaring umalis ng bansa si Lao dahil obligadong dumalo sa isinasagawangpagdinig ng Senado hinggil sa kuwestiyunableng pagbili ng P2.4 bilyong halaga ng mga laptop na sinasabing "overpriced at outdated."
Matatandaangnaglabas ng lookout bulletin ang BI laban kay Lao at pito pang indibidwal sa gitna ng imbestigasyon ng Senado sa umano'y maanomalyang pagbili ng PS-DBM ng mga laptop para sa Department of Education (DepEd), noong Setyembre 2021.
Ang mga biniling laptop ay para sana sa blended learning system ng DepEd sa gitna ng pandemya ng coronavirus diseases 2019.