Nagpahayag din si Chito Miranda tungkol sa kinokonsiderang ipagbawal ang pagpapalabas ng foreign shows sa Pilipinas kung saan kabilang dito ang mga Korean drama.
"Targeting foreign shows or acts is not the solution for the lack of support towards local shows and artists. Coming up with better shows and songs, is," tweet ni Chito nitong Miyerkules, Oktubre 19.
"As artists, kelangan lang natin galingan mas lalo para sabay tayo sa foreign acts. "Earn" the support. Di pwedeng sapilitan," dagdag pa niya.
Tila sumang-ayon naman ang ilang netizens sa tweet ni vocalist.
"They’re hypocrites. They illegally shut down a network. That’s how they “support” local talent."
"Mismo! Hindi rin macocontrol si Netflix as to which shows to include in their platform. They offer so many options, hindi lang Korean. Baka wala na talaga pera ang masa na dating tumatangkilik sa MMFF at local movies. Minsan din kasi corny na at paulit ulit ang theme"
"suporta mula sa gobyerno para sa mga artist diba andami natin nagkalat na artista sa senado???"
"True. Magkaroon unique shows sa mga TV. Sa artist. Yung pang sabay sa kpop at western. True true. Very honest thought. Ayaw aminin ng iba."
"Tumpak idol! Eh kung yung mga plunderers kaya i-ban sa gobyerno?"
"Tama po kayo sir Chito."
"Yes to this!"
"Tara itaas ang OPM!!"
Matatandaang sinabi ni Estrada na masyado nang tinatangkilik ng mga Pilipino ang mga Korean dramas at hindi na pinapansin ang mga likhang Pinoy.
“Ang aking obserbasyon pagpatuloy tayo nagpapalabas ng Korean telenovela, ang hinahangaan ng ating mga kababayan ay itong mga Koreano at nawawalan ng trabaho at kita yung ating mga artistang Pilipino,” saad ng senador.
“Kaya minsan pumapasok sa aking isipan na i-ban na itong mga telenovela ng mga foreigners at dapat ang mga artista nating Pilipino, talagang may angking galing sa pag-arte ay ‘yun naman dapat ang ipalabas natin sa sariling bansa natin.”“Kung ang pino-promote natin ay mga produkto ng Koreano, kaya nagkakaroon tayo ng halos maraming produktong Korean dito sa atin imbis na i-promote natin yung sarili natin ang napo-promote natin yung mga banyaga,” dagdag pa ng mambabatas.
Basahin:https://balita.net.ph/2022/10/19/sen-jinggoy-estrada-kinokonsiderang-ipa-ban-korean-dramas-sa-bansa/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/10/19/sen-jinggoy-estrada-kinokonsiderang-ipa-ban-korean-dramas-sa-bansa/