Nagbigay ng kaniyang saloobin ang kilalang abogadong si Atty. Gideon V. Peña hinggil sa nasabi ni Senador Jinggoy Estrada na kinokonsidera niyang ipagbawal ang pagpapalabas ng Korean dramas sa Pilipinas, dahil aniya ay naaapektuhan nito ang pagtangkilik sa mga gawang Pilipino.

Ayon umano sa pagmamasid ni Estrada, masyado nang tinatangkilik ng mga Pilipino ang mga KDramas at hindi na pinapansin ang mga likhang Pinoy.

"Ang aking obserbasyon pagpatuloy tayo nagpapalabas ng Korean telenovela, ang hinahangaan ng ating mga kababayan ay itong mga Koreano at nawawalan ng trabaho at kita yung ating mga artistang Pilipino," saad ng senador.

"Kaya minsan pumapasok sa aking isipan na i-ban na itong mga telenovela ng mga foreigners at dapat ang mga artista nating Pilipino, talagang may angking galing sa pag-arte ay 'yun naman dapat ang ipalabas natin sa sariling bansa natin."

"Kung ang pino-promote natin ay mga produkto ng Koreano, kaya nagkakaroon tayo ng halos maraming produktong Korean dito sa atin imbis na i-promote natin yung sarili natin ang napo-promote natin yung mga banyaga,” dagdag pa ng mambabatas.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/19/sen-jinggoy-estrada-kinokonsiderang-ipa-ban-korean-dramas-sa-bansa/">https://balita.net.ph/2022/10/19/sen-jinggoy-estrada-kinokonsiderang-ipa-ban-korean-dramas-sa-bansa/

Ayon naman sa tweet ng abogado, "Banning Kdrama and other foreign productions will not improve Filipino-made shows."

Naungkat din nito ang pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN.

"If the gov’t wants to support the local industry, it can do so by providing better tax & other financial incentives. Promote free competition too. That means giving ABS-CBN its franchise."

https://twitter.com/attygideon/status/1582535376455229440

Samantala, nilinaw naman ni Sen. Estrada ang kaniyang mga naging pahayag tungkol sa Korean dramas. Aniya, ito ay "out of frustration" lamang dahil sa mga nabanggit niyang obserbasyon, ayon sa lumabas na ulat.