Puring-puri ng aktor at isa sa mga orihinal na "heartthrob" ng Philippine showbiz na si Aga Muhlach ang pagganap ng aktor na si Baron Geisler sa pelikulang "Doll House" na mapapanood sa Netflix Philippines, at ilang linggo na ring usap-usapan dahil sa kurot sa pusong dulot nito sa mga manonood.
Ito ang kauna-unahang pagbida ni Baron sa isang pelikulang drama ang genre. Tila may pagkakahawig sa sariling buhay ni Baron ang kuwento ng pelikula dahil tungkol ito sa pagbabagong buhay at pagbibigay ng pangalawang pagkakataon sa isang tao.
Ayon sa Instagram post ni Aga kahapon ng Martes, Oktubre 18, marami raw siyang iniiyak sa panonood nito at wala siyang masabi kundi magagandang salita at papuri lamang para sa cast at production team na bumuo ng pelikulang ito.
Bukod kay Baron at sa production team ay pinuri din ni Aga ang gumanap na anak ni Baron sa pelikula na si Althea Ruedas.
"DOLL HOUSE!!! You guys nailed it! @baron.geisler taas kamay! ๐๐ผ pinahanga mo ako! Dami ko iyak dito! Galing mo sobra! Sa inyong lahat na bumuo nitoโฆ Mabuhay kayo! Di ako muubusan ng sasabihin.. ๐๐ผ๐๐ผ๐๐ผ๐ฏ๐ฏ๐ฏโค๏ธโค๏ธ @mavxproductions and that little girl! @althearuedas Amazing!"
"You made me cry as well! You were so good all through out the movie! ๐ congratulations sa inyong lahat! ๐๐ผ๐๐ผ๐๐ผ๐๐ผ๐ฅ Dami ko iniyak dito! Hayuuuf! Haha o siya! Bye! Oh, wait! Director @marlaancheta ๐๐ผ take a bow! ๐๐ผ bravo! ๐๐ผ"
Matatandaang bukod kay Aga, pinuri din ni Paolo Contis si Baron, na nakasama niya noon sa youth-oriented-drama show na "Tabing Ilog" sa ABS-CBN, kasama sina Jodi Sta. Maria, Kaye Abad, Paula Peralejo, at John Lloyd Cruz.
Nagbigay rin ng papuri sa kaniya ang dating Hashtag member na si Nikko Natividad, na aniya ay muntik nang malunod sa sariling luha dahil sa emosyunal na mga tagpo sa pelikula.
Samantala, aktibo at abala naman si Aga sa kaniyang TV hosting sa game show na "Tara Game Agad-Agad" sa NET25.