Dalawang rider ang patay habang sugatan ang isa pa nang magkabanggaan ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Baras, Rizal nitong Miyerkules ng umaga.

Kinilala ang mga namatay na biktima na sina Elvira Abacahin at Jomar Villamor, habang sugatan naman si Rolando Jardio.

Batay sa ulat ng Baras Municipal Police Station, nabatid na dakong ala-1:10 ng madaling araw nang maganap ang aksidente sa Manila East Road, sa Brgy. Evangelista sa Baras.

Minamaneho umano ni Jardio ang kanyang motorsiklo, angkas ang kanyang live-in partner na si Abacahin at binabagtas ang Manila East road nang makabanggaan nito ang kasalubong na motorsiklo na minamaneho naman ni Villamor.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Dahil sa lakas ng impact nang banggaan ay kapwa nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima.

Kaagad na binawian ng buhay sina Abacahin at Villamor habang naisugod naman ng mga otoridad sa ospital si Jardio upang malapatan ng lunas.