Pangmalakasan man ang parehong performances nina Binibining Pilipinas Intercontinental 2022 Gabrielle Basiano at Binibining Pilipinas Globe 2022 Chelsea Fernandez sa kani-kanilang international bid kamakailan, bigo ang dalawa na maiuwi ang inaasam-asam na back-to-back win para sa Pilipinas.

Umabot sa Top 20 ang pride ng Borangan, Eastern Samar na si Gabrielle sa kaniyang kompetisyon sa Egypt habang nakatungtong sa Top 15 ang Tacloban queen na si Chelsea sa kaniyang tangkang back-to-back win sa Albania.

Parehong Pinay queens ang nagsuko ng dalawang korona sa magkahiwalay na kompetisyon ngayong taon: sina Miss Intercontinental 2021 Cinderella Obenita at Miss Globe 2022 Maureen Montagne.

Samantala, maging ang Pinoy pageant fans ay hindi pa rin maka-move-on sa pagkabigong makaabot sa final 5 ang Filipina beauties. Kung nagkataon raw kasi, muli na namang manlalamon ng mikropono ang Pinay representatives sa question-and-answer portion.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Kaya naman ang panawagan nila ngayon: sumabak pa sa Miss Universe ang dalawang Waray queens.

Isang online pageant community pa ang nag-post na agad ng Miss Universe application para sa dalawang beauty queens sa 2023.

“The Intecontinental and the Globe denies them, so baka UNIVERSE talaga ang para sa kanila, 👑” anang Pageant Aficionado noong Linggo, Oktubre 16.

Suportado naman ito ng marami pang fans.

Gayunmpaman, wala pang reaksyon o pahayag ang dalawang Binibini reigning queens sa paghikayat sa kanila ng kanilang mga tagasuporta.

Ngayong darating na Nobyembre at Disyembre, sina Miss Planet Philippines 2022 Herlene Budol at Binibining Pilipinas International 2021 Hannah Arnold, ayon sa pagkakasunod-sunod, ang sasabak naman sa kani-kanilang international competition.

Basahin: Official photo ni Hannah Arnold sa Miss Int’l, pinusuan ng netizens, kapwa beauty queens – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid