Naging matagumpay ang unang araw ng concert ni Megastar Sharon Cuneta sa Australia, ayon sa kaniyang pagbibigay ng update sa Instagram.
Ang concert na ito ay may pamagat na "Love, Sharon".
Inawit ni Mega ang kaniyang iconic songs, gaya na lamang ng "Bituing Walang Ningning", ilang buwan matapos ang pagpanaw ng kaniyang matalik na kaibigang si Cherie Gil.
Ito rin ang theme song at titulo ng kanilang pinagsamahang pelikula kung saan gumanap sila bilang "Dorina Pineda" at "Lavinia Arguelles".
Aniya, first time niyang awitin ang naturang iconic song sa isang concert, na wala na ang kaniyang pinakamamahal na kaibigan. Kaya naman, naging emosyunal si Shawie nang awitin niya ito.
Hindi raw niya alam kung paano niya kakantahin ito, subalit naramdaman daw niya ang presensya ni Cherie nang gagawin na niya ang pag-awit.
"First time to sing 'Bituing Walang Ningning' in a concert since my Cherie passed two months and eleven days ago…"
"Di ko alam paano ko kakantahin kagabi… but I know somehow that she was right beside me…"
Inihayag sa social media ang pagpanaw ng beteranang aktres noong Agosto 5. Ilan sa mga showbiz personalities na nag-post nito ay sina Annabelle Rama at Lara Morena. Kinumpirma naman ito ng pamangkin ni Cherie na si Sid Lucero.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/07/mga-anak-ni-cherie-gil-naglabas-ng-opisyal-na-pahayag-detalye-hinggil-sa-pagpanaw-ng-kanilang-ina/">https://balita.net.ph/2022/08/07/mga-anak-ni-cherie-gil-naglabas-ng-opisyal-na-pahayag-detalye-hinggil-sa-pagpanaw-ng-kanilang-ina/
Naikuwento ni Mega na tumulak siya pa-Amerika upang makasama sa huling pagkakataon ang kaibigang pumanaw dahil sa cancer.
Matatandaang noong Pebrero, nagulantang ang lahat nang magpakalbo si Cherie at ibenta umano ang kaniyang mga ari-arian, at namuhay na lamang sa ibang bansa. Naitampok pa siya sa isang lifestyle magazine. Ang pagpapakalbo umano ay simbolo ng kaniyang "rebirth". Lingid sa kaalaman ng publiko ay may iniinda na palang sakit ang tinaguriang "La Primera Contravida".
Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/07/cherie-gil-nanggulat-sa-rebirth-look-sumailalim-umano-sa-therapy-counseling/">https://balita.net.ph/2022/02/07/cherie-gil-nanggulat-sa-rebirth-look-sumailalim-umano-sa-therapy-counseling/
Kahit saan daw magpunta si Mega ay patuloy niyang naaalala si "Lavinia Arguelles". Pakiramdam ni Shawie, kalahati ng kaniyang pagkatao ang nawala, kasabay ng pagpanaw ng aktres.
"Wherever I go… you are with me… No DORINA without LAVINIA… I feel like about half of me is missing… I really miss you…18 days now and it’s like I lost you just yesterday, my Chichi… I will love you always…" ani Sharon sa caption ng kaniyang IG post, Agosto 23.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/08/sharon-cuneta-patuloy-na-nagdadalamhati-sa-pagpanaw-ni-cherie-gil/">https://balita.net.ph/2022/08/08/sharon-cuneta-patuloy-na-nagdadalamhati-sa-pagpanaw-ni-cherie-gil/
Pakiramdam daw niya, kalahati ng buhay niya ay nawala dahil sa maagang pagpanaw ng kaibigan.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/24/sharon-naghihinagpis-pa-rin-sa-pagpanaw-ni-cherie-i-feel-like-about-half-of-me-is-missing/">https://balita.net.ph/2022/08/24/sharon-naghihinagpis-pa-rin-sa-pagpanaw-ni-cherie-i-feel-like-about-half-of-me-is-missing/
Samantala, kamakailan lamang ay muling pinag-usapan si Shawie dahil sa pagtataboy sa kaniya sa isang designer brand store sa South Korea.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/03/sharon-cuneta-winasak-ang-katahimikan-tungkol-sa-di-pagpapapasok-sa-kaniya-sa-hermes-store/">https://balita.net.ph/2022/10/03/sharon-cuneta-winasak-ang-katahimikan-tungkol-sa-di-pagpapapasok-sa-kaniya-sa-hermes-store/
Naibalita pa ito sa South Korea at umani ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga lokal doon.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/05/megastar-inokray-ng-k-netz-viral-vlog-nag-landing-sa-isang-south-korean-news-website/">https://balita.net.ph/2022/10/05/megastar-inokray-ng-k-netz-viral-vlog-nag-landing-sa-isang-south-korean-news-website/
Matapos nito, usap-usapan naman ang kaniyang slim figure nang dumalo siya bilang guest performer sa isang event para sa mga guro.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/17/ambilis-naman-mga-netizen-samut-sari-ang-reaksiyon-sa-pagbulaga-ng-kapayatan-ni-mega/">https://balita.net.ph/2022/10/17/ambilis-naman-mga-netizen-samut-sari-ang-reaksiyon-sa-pagbulaga-ng-kapayatan-ni-mega/