Makakakuha lang ng ₱1 sahod kada taon si Direk Paul Soriano bilang presidential adviser for creative communications, ayon kay Pangulong Bongbong Marcos, Jr. 

“One of the greatest assets of the Filipino is our creativity, and we must find many ways to highlight that to the rest of the world," ani Marcos.

"And that is what Paul Soriano has already been doing in his career as a filmmaker. And now we have asked him to help us at one peso per year,” dagdag pa niya.

Matatandaang si Soriano ang nasa likod ng ilang mga campaign ads ni Marcos noong national elections at siya rin ang nag-direk ng unang State of the Nation Address (SONA) ng pangulo.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“It’s an absolute honor to be able to serve, first and foremost, of course, for the country and then, of course, for the PBBM administration,” saad naman ng direktor.

"It’s a passion of mine to just create and communicate. It’s an absolute honor that the President has trusted me with this position,” sabi pa niya.

Nitong Lunes, Oktubre 17, nanumpa na ang direktor sa harap ni Marcos. Kasama niya ang kaniyang misis na si Toni Gonzaga at anak nilang si Severiano Elliot.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/10/17/direk-paul-bilang-bagong-presl-adviser-for-creative-communications-its-an-absolute-honor-to-be-able-to-serve/

Bilang creative communications adviser, si Soriano ang magpapayo sa Pangulo at tutulong sa mga ahensya, kabilang ang government-owned and controlled corporations, sa mga bagay na magpapahusay sa pagpapakalat ng impormasyon kaugnay sa kani-kanilang programa. 

“You know, in this day and age, you need to do it creatively, and you need to communicate so that the mission and the vision and the message of the President are clearly communicated to the Filipino people,” anang direktor.