Hiniling ng mga kasapi ng Makabayan bloc na imbestigahan ang walang abisong pagbisita ng mga pulis sa bahay ng mga journalists dahil ito ay maliwanag na paglabag sa pribadong karapatan ng mga mamamayan.

Naghain ang mga mambabatas ng Makabayan bloc sa Kamara ng House Resolution No. 484 na humihiling sa House Committee on Human Rights na magsagawa ng pagsisiyasat.

Matatandaang ikinuwento ng GMA journalist na si JP Soriano na may isang indibidwal na nagpakilalang pulis, na hindi nakasuot ng uniform, ang nagpunta sa kaniyang tahanan upang i-check kung may “threat” daw sa kanila kasunod ng pagpatay sa radio commentator na si Percy Lapid. 

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/15/gma-journalist-tiniktikan-ng-pulis-sa-marikina/

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Kinumpirma ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na ang pagpunta o pagbisita ng mga pulis ay bahagi ng kanilang pagsisikap na bigyan ng seguridad ng mga miyembro ng media.

“There is a violation of the right to privacy of the journalists against unauthorized or illegal access to and disclosure and use of their personal information,” pahayag ng Makabayan bloc sa resolusyon.

Sinabi ng mga mambabatas na kailangan ang ilang kondisyon para payagang ibigay ang personal information ng isang indibidwal gaya ng isinasaad ng Section 12 ng Data Privacy Act of 2012.

“As the body is composed of representatives of the people, Congress should investigate and protect the Filipinos against the infringement of their right to privacy. The practice of profiling and granting illegal access to and disclosure and use of the personal information of the people to unauthorized individuals and entities poses fear and threat to their lives and safety,” bigay-diin ng Makabayan bloc.

Samantala, sinabi ni Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. na hindi nila awtorisado ang mga pulis na magpunta o bumisita sa mga bahay ng mga mamamahayag.