Ipinagdiwang kamakailan ng Center for Health Improvement and Life Development o CHILD Haus ang kanilang ika-20 anibersaryo sa pamamagitan ng isang eksibit, pagpaparangal sa mga donor at pagdiriwang ng kaarawan para kay G. Hans T. Sy sa Music Hall ng SM Mall of Asia.

Pinarangalan ng C.H.I.L.D Haus ang kanilang long-time donors sa kanilang 20th anniversary celebration sa Music Hall ng SM Mall of Asia. Ipinapakita ng larawan sina G. Hans T. Sy at Gng. Carol Sy, at ang kamangha-manghang mga bata ng CHILD Haus na ginapi ang cancer at ilan sa kanilang mga tagasuporta.

Sa paglipas ng mga taon, ang CHILD Haus, sa pamamagitan ng inisyatiba ng pilantropo na si Ricky Reyes, ay nakatulong sa mga batang may cancer mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas na nangangailangan ng suportang pinansyal para sa kanilang mga pagpapagamot at tahanan na matutuluyan

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Sinabi ni Hans T. sa kanyang talumpati: "Kung mayroong isang tao na dapat ipagpasalamat, ito ay walang iba kundi si Nanay Ricky Reyes sa lahat ng kanyang nagawa para sa CHILD Haus, para sa kanyang walang pasubali na pagmamahal at patuloy na suporta para sa mga batang ito."

Ang mga panauhin ay nagkaroon ng pagkakataong matunghayan ang eksibit kung saan ipinakita ang sentro ng CHILD Haus at ang layunin nito, ang mga serbisyo nito at ang pagkakatatag nito mula pa noong simula, kasama ang timeline ng pag-unlad nito noong nagsimulang maging tagasuporta ng organisasyon si G. Hans Sy.

Si Ricky Reyes, tagapagtatag ng CHILD Haus, kasama sina G. Hans Sy at ang kanyang asawang si Carol Sy sa paglilibot sa Walk for Humanity Exhibit.

Itinampok din dito ang 20 kahanga-hangang CHILD Haus survivors sa Walk for Humanity Exhibit: Leyde Monderin, Jhudel Quinto, Carla Mondas, Kim Casanares, Lexi Calingasan, Michael Galvez, Marl Ladon, Rex Matulin, Vincent Azutillo, at Crispin Edillor.

Masasayang mukha ng mga batang CHILD Haus.

Kasama rin sa exhibit ang mga survivors na sina Rafael Balista, Kenneth Santos, Julius Garcia, Gabriel Sarmiento, John Paul Bacay, Patrice Siaboc, Danica Remollo, Joann Padilla, Megan Lugpit at Vivien Coderes.

Highlight ng programa ang pagpupugay sa mga long-term donor ng Child Haus na sa maraming taon ay naging mga tagasuporta ng organisasyon.

Ang bawat sponsor ay ginawaran ng plaque of appreciation at isang token plant. Ilan sa mga tagasuporta na tinawag na "The Good Guys,": kasama sina G. Hans T. Sy, G. Sergio Yu, G. Manny Sy, G. Macario "Jun" Gaw, Ms. Tates Gana, Ms. Isabelita Paredes Mercado , sinabi ni Atty. Pedrito Faytaren, Jr., Ms. Jeanette Cu, MCKS, Food for the Hungry, Inc., Mr. Leo Rüngen, at Ms. Anna Karylle Tatlonghari-Yuson.

Kasama ring kinilala sina Henry Omaga Diaz ng ABSCBN, Jennifer Quimson ng Heed Foundation, Rotary Club of Makati, Philippine Cancer Society, Philippine Red Cross, Cancer Institute of the Philippine General Hospital, Philippine Childrens’ Medical Center, National Children’s Hospital at marami pang iba.

Nagtapos ang pagdiriwang sa isang sorpresang birthday party para kay G. Hans Sy, na pinarangalan at kinilala ni Mother Ricky sa patuloy na tagumpay ng CHILD Haus sa pamamagitan ng kanyang kabaitan at kabutihang-loob.

Sunod na hinarana ng Madrigal Singers at ni Jam Aquino kasama ang mga bata ng Child Haus ang mga panauhin sa kanilang mga pagtatanghal ng kanta.

Pagharana ni Stephanie kasama ang Madrigal Singers sa mga panauhin sa kanilang rendition ng kantang "Handog" ni Florante.

Ipinakita rin ang Walk for Humanity Exhibit sa SM Megamall na malapit na rin matunghayan sa SM City North Edsa mula Oktubre 18-23, SM City Sta. Rosa sa Nob. 1-6 at sa SM City Grand Central sa Nob. 17-20.

Malugod na tinatanggap ang mga panauhin sa magandang walkway na ito papunta sa Walk of Humanity Exhibit

Ang Walk of Humanity Exhibit sa SM Megamall

Ang ika-20 anibersaryo ng CHILD Haus ay pagdiriwang ng kanilang mga nagawang tagumpay at ang pagbabalik ng pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa organisasyon sa paglipas ng mga taon.