Dalawang mapalad na mananaya mula sa Quezon ang maghahati sa ₱22.8-milyong jackpot prize ng MegaLotto 6/45 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes ng gabi.

Sa abiso ng PCSO nitong Martes, nabatid na matagumpay na nahulaan ng mga lucky bettors ang six-digit winning combination na 30-35-24-11-03-19 na may katumbas na jackpot prize na₱22,842,729.60.

Ang winning tickets ay nabili umano ng mga masuwerteng mananaya sa Gumaca, Quezon.

Upang makubra naman ang kanilang panalo, kinakailangan lamang ng mga lucky winners na magtungo sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at magprisinta ng dalawang balidong identification cards at ang kanilang winning tickets.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Ang MegaLotto 6/45 ay binubola ng PCSO tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.

Samantala, wala namang nakahula sa six-digit winning combination na 40-46-37-48-29-20 ng GrandLotto 6/55 na binola rin nitong Lunes ng gabi, kaya’t hindi naiuwi ang premyo nitong P29,700,000.

Ang GrandLotto 6/55 ay binubola naman tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.

Kaugnay nito, hinihikayat naman ng PCSO ang publiko na patuloy na tangkilikin ang kanilang mga palaro, partikular na ang lotto, upang sa halagang P20 lamang ay magkaroon na ng pagkakataong magiging susunod na milyonaryo.

Una nang sinabi ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades ‘Mel’ Robles na walang talo sa paglahok sa mga palaro ng PCSO dahil hindi man manalo ay tiyak namang makakatulong sa mga taong nangangailangan.