Biro noon ng ilan, kahit yata gawang ingay ng American superstar ay kayang isalba ang global music industry.

Ilang araw bago ang inabangang ikalimang studio album na 1989 ni Taylor noong Oktubre 27, 2014 sa ilalim ng Big Machine Records, aksidenteng nai-release ang walong segundong literal na ingay sa ilalim ng pangalan ng American superstar.

Track 3 ang pangalan ng “white noise” na napag-alamang dahil pala sa isang computer glitch noon, ayon sa ulat ng Business Insider.

Sa kasikatan naman ng nag-iisang Taylor, agad na tumuntong sa top spot ng Canadian iTune chart ang literal na ingay noong Oktubre 20, 2014, kung saan naungusan pa nito ang unang dalawang single ng 1989 album na “Welcome To New York” sa ikaliwang puwesto at “Shake It Off” sa ikatlong puwesto.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Tunay ngang hindi biro ang impluwensya at streaming power ng Grammy-winning singer-songwriter, to say the least!

Pag-aakala kasi ng fans noon, isang clue sa noo’y brand new release ang naturang white noise dahilan para agad na bilhin ito ng Canadian fans sa naturang online music store.

Samantala, fast forward ngayong 2022, ilang araw na lang ay mapapakinggan na ang ikasampung studio album ni Taylor na “Midnights.”

Noong Oktubre, inilabas na ni Taylor ang kabuuang thirteen-track ng album sa mga kantang “Lavender Haze,” “Maroon,” “Anti-Hero,” “Snow On The Beach,” “You’re On Your Own, Kid,” “Midnight Rain,” “Question,” “Vigilante Shit,” “Bejeweled,” “Labyrinth”, “Karma,” “Sweet Nothing,” at “Mastermind.”

Sa darating na Biyernes, Oktubre 21, mapakikinggan sa iba’t ibang music platforms ang buong Midnight tracks.