Pinahintulutan na ng Department of Education (DepEd) ang mga pribadong paaralan na magpatupad pa rin ng distance at blended learning, paglampas ng Nobyembre 2.

Ito ay nakasaad sa Department Order (DO) 044, series of 2002, na pirmado ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte nitong Lunes, Oktubre 17.

Ang naturang kautusan ang nag-a-amiyenda sa DO 034, o ang School Calendar of Activities for the School Year 2022-2023, na unang inisyu ng DepEd at nagmamandato sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan na magdaos na ng limang araw na face-to-face classes simula sa Nobyembre 2.

Sa ilalim ng bagong kautusan, sinabi ng DepEd na ang mga pribadong paaralan ay maaari pa ring magpatupad ng blended learning at full distance learning.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Sa ilalim ng blended learning scheme, ang mga private schools ay maaaring magkaroon ng tatlong araw na in-person classes at dalawang araw ng distance learning, o di kaya at apat na araw na in-person classes at isang araw na distance learning.

Kung kanilang nanaisin, maaari rin umanong magdaos ang mga private schools ng limang araw na in-person classes.

Samantala, ang lahat naman ng public schools ay dapat na nagdaraos na ng limang araw na face-to-face classes, simula sa Nobyembre 2.

"After the said date, no public school shall be allowed to implement purely distance learning or blended learning, except for those that are expressly provided an exemption by the Regional Director, those whose classes are automatically cancelled due to disaster and calamities, and those implementing Alternative Delivery Modes," bahagi pa ng kautusan.

Kaugnay nito, nagpasalamat naman ang grupo ng mga pribadong paaralan na Coordinating Council of Private Educational Associations of the Philippines (COCOPEA), sa DepEd dahil sa naturang bagong kautusan.