Pinatutsadahan ng komedyante at talent manager na si Ogie Diaz ang kritiko ni dating Bise Presidente Leni Robredo dahil sa sinabi nitong nagpunta raw si Robredo sa Harvard para siraan ang Pilipinas.
"Grabe! Nagpunta ng Harvard para SIRAAN ang sariling BANSA. Napakawalanghiya mo talaga Madumb!" ayon kay Mark Lopez noong Oktubre 14, na isa sa mga tagasuporta umano ng kasalukuyang administrasyon.
Samantala, pinatutsadahan naman ito ni Diaz, aniya, "may nabasa ako, mas walanghiya daw po kayo. True po ba?"
Kasalukuyang nasa Amerika si Robredo para gampanan ang kaniyang tungkulin sa pagiging isa sa mga Hauser Leaders sa prestihiyosong Harvard Kennedy School’s Center for Public Leadership.
Hindi ito ang unang pagkakataon na pinansin ni Diaz si Lopez.
Ayon sa tweet ni Lopez noong Setyembre 4, hindi raw matatakpan ng Harvard ang ‘stupidity’ at ‘weak leadership’ skills ni Robredo.
“No amount of Harvarddeodorizing can ever mask the stupidity and weak leadership skills of Madumb. Kahit gawin nyo pang dean yan, you are depriving students of real education kung yan lang boba yan ang magtuturo,” aniya.
Sumagot naman si Diaz nitong Biyernes, Setyembre 9. Aniya, “malungkot ang buhay niya. At si Leni ang nagpapasaya sa kanya. At least nakatulong sa kanyang mental health si Mama Leni.”
Nag-reply naman si Lopez, “The saddest life actually is yours Mister Diaz. Why? Imagine super sikat ka pero nag effort ka pa sa tweet ko even if I am a nobody? Dahil lang sa barya na iaabot sa iyo ng mga handler ni Madumb? How pathetic di ba?”
Gayunman, hindi na sumagot si Diaz sa reply ni Lopez.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/10/ogie-diaz-inokray-ang-umanoy-basher-ni-robredo-malungkot-ang-buhay-niya/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/09/10/ogie-diaz-inokray-ang-umanoy-basher-ni-robredo-malungkot-ang-buhay-niya/
Kilala si Robredo na tinatawag bilang "madumb." Noong nakaraang buwan ay may kumakalat na video sa Twitter na kung saan inaddress niya mga karaniwang panlalait na natatanggap niya umano sa mga trolls kagaya ng “bobo”, “lutang”, at “Madumb”. Nabanggit niya ang pagtataas ng kilay sa kaniya sa pagiging Hauser Leader.“Ano yung gagawin ko sa Harvard? Hinihintay ko nga kung ano yung sasabihin ng trolls eh,” hirit ni Robredo na ikinahalakhak at ikinapalakpak naman ng audience.
“Excited ako kung ano yung… kasi ‘di ba yung pinaka-narrative na… pinaka-narrative nila sa akin bobo ako, ‘di ba? Bobo ako, lutang, Madumb… yun yung sabi nila. Pero sabi ko nga, talaga ang Diyos, yung Diyos talaga marunong. Kasi… yung mga dumarating sa akin, parang hindi ko naman sino-solicit.”
“Pero nung nagsabi nang nagsabi ng ‘Madumb’ binigyan ako ng Ateneo ng honorary degree. Tingin ninyo ang Ateneo magbibigay sa isang lutang at bobo? Di naman siguro… Tapos ngayon, hindi lang Ateneo kundi Harvard,” nakangiting pahayag ni Robredo. Muli namang humiyaw at nagpalakpakan ang audience para sa kaniya.
“Hindi naman sa pagyayabang pero parang ang feeling ko kasi, sagot iyon ng Diyos para sa kanila.”
Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/04/atty-leni-nag-react-sa-trolls-na-tumatawag-sa-kaniya-ng-bobo-lutang-at-madumb/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/09/04/atty-leni-nag-react-sa-trolls-na-tumatawag-sa-kaniya-ng-bobo-lutang-at-madumb/