Solano, Nueva Vizcaya -- Isang hindi pa nakikilalang menor de edad ang natagpuang patay na may tama ng bala sa ulo sa kahabaan ng Silap Road, Barangay Roxas, Solano, Nueva Vizcaya malapit sa isang pampublikong sementeryo nitong Lunes, Oktubre 17.

Sa ulat mula sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office, sinabing isang Ernesto Castillo Jr. ng Villaverde Street, Brgy. Roxas, nakakita sa wala nang buhay na katawan ng biktima habang papunta sa kanyang sakahan.

Agad siyang nagsumbong sa Solano Police at pagkatapos ay nakipag-ugnayan sa Nueva Vizcaya Forensic Unit para iproseso ang pinangyarihan ng krimen.

Sa ocular inspection sa pinangyarihan ng krimen, posibleng itinapon ang biktima kung isasaalang-alang na ang biktima na walang signs of struggle, ayon sa pulisya.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Inilarawan ang biktima na 5 talampakan at 1 pulgada ang taas, nakasuot ng olive green printed t-shirt, brown at black short pants, red Bench brief, nasa 15-18 taong gulang, maliit ang katawan at mushroom cut ang buhok.

Nagtamo siya ng tama ng bala sa kanyang noo at lumabas sa likod ng kanyang ulo na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Nakuha ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) Team ang mga sample ng standard buccal swab, fingernail clippings, postmortem fingerprints sa cadaver at nagsagawa ng paraffin test sa magkabilang kamay.

Inalerto ng pulisya ang mga kalapit na bayan ng mga nawawalang kamag-anak.