Nangako ang isang agricultural group na bibili ng palay sa mataas na halaga upang matulungan ang mga magsasaka sa gitna ng tumataas na gastos sa pagtatanim.
Ito ay nang magkasundo ang Samahang Industriya sa Agrikultura (SINAG) at National Food Authority (NFA) nitong Lunes.
Sa kasunduan, bibili ang grupo ng 7.5 milyong metrikong tonelada ng palay sa mas mataas na presyo.
Nilinaw ng grupo, bibilhin nila ang dried palay ng mula ₱19 hanggang ₱20 kada kilo at ₱16.50 naman sa wet palay.
Mataas umano ito ng ₱3 sa umiiral na presyo ng palay sa mga probinsiya.
"Our ultimate objective is to assure rice farmers that they can continue to plant and that there is market for their produce," ani SINAG spokesperson Jason Cainglet sa panayam sa telebisyon.
Ipinaliwanag ng grupo, kinausap muna nila ang mga importer upang hindi umangkat mula ngayong buwani hanggang Disyembre 2022.
Wala umanong epekto sa mga consumer ang kasunduan at hindi tataas ang presyo ng palay sa merkado.
"May available warehouses kami na puwedemai-consider. Titingnan kung makakatulong. At sa mga farmers na walang delivery trucks, kasama 'yan sabinudgetannatin. Puwede kami mag-rent ngtruckat puwede mag-pick-upng ani," sabi naman ni NFA Administrator Judy Dasal.