Matatandaang ilang beses na nagparinigan sa social media ang GMA head writer at ang talent manager noon, dahilan para akalain ng ilang netizens ang namuong hidwaan sa pagitan ng dalawang personalidad.

Puring-puri ni Ogie Diaz ang brand-new period-fantaserye ng GMA Network na “Maria Clara at Ibarra.”

Basahin: ‘Napakahusay’: Pagganap ni Barbie Forteza sa ‘Maria Clara at Ibarra,’ puring-puri ni Ogie Diaz – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Mula sa production design, pagganap ng ilang karakter, at ang mismong twist sa istorya ay hinangaan ng talent manager.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Kasunod ng papuri, hindi naman maiwasang maintriga si Ogie sa kabangayan niya noon na si Suzette Doctolero, ang manunulat sa trending na Kapuso serye.

Basahin: Parinig kay Suzette Doctolero? Ogie Diaz, nagpasaring: ‘Wag masyadong palengkera!’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Hindi ako subjective, objective ako. ‘Pag may maganda naman siyang nagawa at ito ‘yung ‘Maria Clara at Ibarra,’ edi purihin natin. Hindi man kami nagkakapareho sa aming political views at kung anu-ano pang opinion, e wala akong pakialam. Dito, gusto ko purihin ang kabuuan ng ‘Maria Clara at Ibarra,’” saad ng talent manager sa kaniyang showbiz vlog nitong Linggo, Oktubre 16.

Dagdag nito, una na rin siyang pinabilib ng GMA writer sa 2013 hit-LGBTQ series na “My Husband’s Lover.”

Pagtugon naman ni Suzette kay Ogie sa isang Facebook post, “Masaya at dalawa pala sa shows ko ay nagustuhan ni Ogie, ang MHL at itong MCAI. Wala rin naman akong kinikimkim na galit sa kanya. Masyado maikli ang buhay para magkimkim. Salamat sa magandang review.”

Bago ipalabas ang “Maria Clara at Ibarra,” una nang sinabi ng manunulat na handa siya sa maaaring puna sa kaniyang bagong obra.

“Sanay na ko, sanay na ako sa mga puna. I think so far naman, I’ve started with Amaya no, Amaya, Indio, Legal Wives, Sahaya, and then this one, lahat yan may mga puna bago ipalabas. Di pa pinapalabas may mga nagsalita na, may mga nagju-judge na, nagmamagaling na, magmamarunong na. And then noong nakita nila at napanood nila na maingat naman, na ni-research talaga, so nawala silang bigla.”

Si Suzette ay nakilala bilang mastermind ng hit Pinoy fantaserye na Encantadia na unang umere noong 2005.