Dalawang menor de edad, 16 at 17 taong gulang, ang isinailalim sa kustodiya ng pulisya matapos umano nilang halayin ang isang 17-anyos na babae sa Quezon City noong Sabado, Oktubre 15.

Sinabi ng Quezon City Police District (QCPD) na nangyari ang insidente sa isang bahay sa kahabaan ng Don Fabian Extension, Barangay Commonwealth sa lungsod kung saan nag-iinuman ang mga menor de edad, ang Grade 11 na biktima, at isang 18-anyos na babae bandang 1:40 a.m.

Pumunta umano ang biktima sa isang kwarto at doon natulog nang malasing.

Sinabi ng pulisya na nagising ang biktima habang salit-salit umanong ginahasa siya ng mga suspek. Nasa tabi rin niya ang 18-anyos na babae ngunit walang nagawa para pigilan ang mga lalaki.

57 kilos ng shabu na isinilid sa Chinese tea bags, nakumpiska sa pantalan sa Southern Leyte

Kalaunan ay sinabihan ng biktima ang kanyang tiyuhin tungkol sa insidente. Humingi sila ng tulong sa mga miyembro ng QCPD Batasan Station (PS 6) na agad namang rumesponde at dinala sa kanilang kustodiya ang dalawang menor de edad.

Ang 18-anyos na babae ay isinailalim din sa kustodiya ng pulisya, sabi ng QCPD.

Aaron Homer Dioquino