Isang uri ng isda na matatagpuan lang sa North America ang nahuli umano sa Pulangi River sa Bukidnon kamakailan dahilan para ikabahala ito ng ilang naturalists.

Ito ang usap-usapan sa private group na “Philippine Biodiversity Net: Digital Library of Species” nitong Linggo kasunod ng isang Facebook post ng page na “Pitik ni Ong Bak” na nanghihingi ng tulong para matukoy ang pagkakakilanlan ng isang hindi kilalang species sa lugar.

“This is worrisome. It seems to be a Gar. I don’t know which species though. Probably accidentally released due to recent floods or something,” paglalarawan ng isang miyembro ng grupo sa nasabing post.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Ayon sa isang website, ang alligator gar ay isa sa pinakamalaking freshwater fish sa North America na umaabot ng anim hanggang sampung pulgada ang laki.

Tinatawag din itong "living fossil" dahil sa pagkakapareho ng mga natagpuang fossil ilang milyong taon na ang nakalilipas sa kasalukuyang species nito sa mga katubigan.

Kaya rin nitong mabuhay sa parehong “fresh and saltwater habitats.”

Isang miyembro ng grupo ang nagtanong sa partikular na banta nito sa Pulangi.

“They can affect the ecosystem since they're not a native species in the Philippines,” sagot ng isa pang kasapi.

“[Alligator gar are]highly predatory fish that can easily become the apex predators in our rivers. These have been recorded to grow well over 6ft at their native waterbodies in the Americas,” segunda ng isa pa.

“A lot of times things that don’t belong to its native range can cause problems to places it is introduced. Gars have a massive appetite,” dagdag na paliwanag ng isa pang maalam sa naturang species.

Teyorya ng mga eksperto, posibleng “escapees or intentional releases” ang nasabing isda na naispatan na rin umano sa Laguna Bay.

Isang lokal na residente naman ang nagbigay ng dagdag na paliwanag kasunod ng palaisipang huli sa Pulangi.

“Katong 2021 nagbaha ang Pulangui sa Bagontaas Valencia. Ang mga alaga nga monsterfish sa ako mga kauban nanga anod sa baha. So posible mao nani ang isa mga naanod gikan sa mga ornamental fish farms. Posible nga naa pay madakpan nga uban species like oscars, flowerhorns, ug mga bettas [Noong 2021, bumaha sa Pulangi Bagontaas Valencia. Yung mga alagang monster fish (alligator gar) ng mga kasama ko naanod sa baha. So posible na isa ito sa mga naanod mula sa mga ornamental fish farms. Posible pa na may mahuling ibang species kaaya ng Oscars, Flowerhorns, at mga Bettas],” komento ng isang lokal na residente.

Dahil sa taglay na banta sa lokal na palaisdan, isang netizen din ang naghikayat na iulat ang naturang isda sa Provincial Environmental and Natural Resources Office sa Bukidnon at sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources – Region 10.

“Generally, the fish roe is poisonous and not edible. This adds to the number of introduced species in Pulangui and imposed threats to the river's ecosystem and biodiversity by displacing the remaining population of native and endemic species,” dagdag ng naturang netizen.