Sa kauna-unahang pagkakataon, nagbakulawan sa iisang entablado sina “Crystal Voice of Asia” Sheryn Regis at “Asia’s Phoenix” Morissette Amon para sa OPM hit ballad na “Gusto Ko Nang Bumitaw.”

Sa ika-20 anibersaryo ng award-winning producer na si Jonathan Manalo, isang successful musical celebration ng “Mr. Music” sa Newport Resorts Performing Arts Theater ang naganap nitong Sabado, Oktubre 15.

View this post on Instagram

A post shared by Jonathan Manalo (@jonathanmanalo)

Musika at Kanta

Martin Nievera, may madamdaming mensahe kay Sofronio Vasquez

Dalawa nga sa OPM hitmakers at Pinay diva ang present na nagbigay ng pasabog na concert treat sa manunuod.

Dito, sa unang pagkakataon, napakinggan ng fans ang duet version ng “Gusto Ko Nang Bumitaw” tampok ang orihinal na singer na si Sheryn at ang cover ng kanta ni Morissette.

Nagpasiklaban sa concert stage ang dalawang Pinay powerhouse habang pinanatili ang kaniya-kaniyang version ng trending na kanta.

Basahin: Bardagulan nina Regine at Morissette sa ASAP, usap-usapan, trending! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Hiyawan ng fans at standing ovation naman ang natanggap nina Sheryn at Morissette mula sa full-packed na concert-goers.

Matapos ang kanta, abot-abot naman ang pasasalamat ng “Asia’s Phoenix” pareho kay Sheryn at Jonathan para sa pagbibigay-buhay sa OPM hit.

“Unang-una, thank you Ate Sheryn. Thank you so much for that beautiful song that you created with Kuya Jonathan. And to be able to interpret it also for the ‘Broken Marriage Vow,’ and to be able to share the song with everybody, yung mga puso natin,” ani Morissette.

Nitong Pebrero ngayong taon nang bigyan ng bagong version ni Morissette ang kanta bilang isa sa theme songs ng hit Pinoy adaptation ng nabanggit na Korean drama.

“As I wrote in my journal, as I said, Kuya Jonathan, this is how I felt when I wrote this: ‘Gusto Ko Nang Bumitaw.’ But I always say that I always choose myself over the toxicity in life,” pahayag ni Sheryn sa music producer.

Kasama si Michiko Unso, sina Jonathan at Sheryn ang nagsulat ng trending na piyesa at unang napakinggan at nai-release noong Setyembre 2021.

Noong nakaraang buwan, kinilala ang “Gusto Ko Nang Bumitaw” bilang “Best Theme Song” sa Asian Academy Creative Awards.