Aminado si Philippine National Police (PNP) spokesperson Col. Jean Fajardo na mayroong mali sa pagbisita ng isang pulis sa bahay ni GMA reporter JP Soriano sa Marikina City nitong Sabado.

“We are not making excuses. May mali talaga sa naging procedure. Kung maganda ang intensyon, maganda ‘yung efforts nila, subalit dapat talaga nagkaron muna ng coordination or probably isinama ‘yung barangay,” sabi ni Fajardo sa panayam sa telebisyon nitong Linggo.

“Pinatigil na ng pamunuan ng PNP itong practice na ito until such time na magkaron ng magandang dayalogo at specific guidelines na ilalabas from PNP para masigurado na hindi na mangyayari ito,” aniya.Nilinaw ni Fajardo, walang kautusan ang PNP national headquarters sa Camp Crame o regional director sa mga pulis na magsagawa ng pagbisita sa bahay ng mga mamamahayag upang tanungin kung mayroong banta sa kanya o sa pamilya nito.

Tanging utos aniya sa mga ito na makipag-coordinate sa mga media personalities at alamin kung nakatatanggap ng death threats kasunod ng pagpatay kay hard-hitting broadcaster Percy Lapid sa Las Piñas City kamakailan.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“There was no direct instruction or directive coming from the national headquarters na magkaroon ng house visitation sa ating kasamahan sa media," aniya.

“Itong nangyari sa ilang mga lugar, we can only presume, na iba-iba ang naging interpretation on how to proceed dito sa coordination sa ating mga media practitioner sa kani-kanilang mga areas of jurisdiction,” ayon sa opisyal.

Nauna nang humingi ng paumanhin si Metro Manila Police chief, Brig. Gen. Jonnel Estomo at sinabing hindi na mauulit ang insidente.

Iniutos naman ni PNP chief, Gen. Rodolfo Azurin ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa insidente at pinapanagot ang nasa likod nito.

Iminungkahi naman ni Senator Sherwin Gatchalian sa PNP at saDepartmentof the Interior and Local Government (DILG) na alamin kung saan nakuha ng pulis ang address ng nasabing mamamahayag.

“Hindi klaro sa akin kung bakit may address ang ating mga kasamahan. Dapat klaruhin ‘yan kung paano nakuha at kung ano ba ‘yung source ng information. Even cellphone dapat klaruhin din kung paano nakuha o sino nagbibigay,” sabi pa nito.