Lumakas pa ang bagyong Neneng habang nasa bahagi ito ng northern Luzon nitong Linggo ng hapon.

Sa pahayag ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang bagyo 145 kilometro silangan ng Calayan, Cagayan.

Ayon sa PAGASA, taglay na ng bagyo ang hanging 120 kilometer per hour (kph) malapit sa gitna at bugso na hanggang 150 kph.

Tumatahak pa rin patungong kanluran ang bagyo sa bilis na 20 kph.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Itinaas sa Signal No. 3 ang western portion ng Babuyan Islands, kabilang na ang Panuitan Is., Calayan Is., at Dalupiri Island.

Ipinaiiral naman ang Signal No. 2 sa Batanes, northwestern portion ng Cagayan (Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros), northwestern portion ng Apayao (Calanasan, Luna, Santa Marcela), at Ilocos Norte.

Nasa Signal No. 1 pa rin ang Kalinga, Abra, northern at central portion ng Ilocos Sur (Gregorio del Pilar, Magsingal, San Esteban, Banayoyo, Burgos, City of Candon, Santa Lucia, Santiago, San Vicente, Santa Catalina, Lidlidda, Nagbukel, Sinait, San Ildefonso, Galimuyod, City of Vigan, San Emilio, Cabugao, Caoayan, San Juan, Santa, Bantay, Santo Domingo, Santa Maria, Narvacan, Salcedo, Santa Cruz), natitirang bahagi ng Apayao, at natitirang bahagi ng Cagayan.

“Moderate to heavy rains may prevail over Batanes, Babuyan Islands, Apayao, Abra, Benguet, Ilocos Norte, and Ilocos Sur. Light to moderate with at times heavy rains over the rest of Ilocos Region and Cordillera Administrative Region,” banggit ng PAGASA said.

Sa pagtaya ng ahensya, lalabas na ng bansa ang bagyo nitong Linggo ng gabi.