Nagpakita ng pagsuporta si Kapuso actor Juancho Triviño sa kaniyang misis na si Joyce Pring, matapos itong kuyugin ng mga netizen dahil sa kaniyang naging pahayag tungkol sa posibleng kahinatnan ng mga "non-believers" ni Hesukristo, sa podcast ng online personality/vlogger na si Wil Dasovich.

Matatandaang inalmahan ng mga netizen ang diretsahan at tapat na sinabi ni Joyce na mabubulid sa apoy ng impiyerno ang kaluluwa ng mga hindi naniwala kay Hesukristo.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/13/joyce-pring-kuyog-sa-netizens-dahil-sa-pahayag-ukol-sa-kahihinatnan-ng-non-believers-ni-hesukristo/">https://balita.net.ph/2022/10/13/joyce-pring-kuyog-sa-netizens-dahil-sa-pahayag-ukol-sa-kahihinatnan-ng-non-believers-ni-hesukristo/

Sa isang Facebook post, nanindigan si Joyce sa kaniyang mga naging pahayag at hindi nagpatinag sa backlash na kaniyang natanggap mula sa social media.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/14/joyce-pring-nanindigan-sa-pinaniniwalaan-niya/">https://balita.net.ph/2022/10/14/joyce-pring-nanindigan-sa-pinaniniwalaan-niya/

Nitong Sabado, Oktubre 15 ay muling ipinost ni Juancho ang wedding photo nila ni Joyce.

“I do not set aside the grace of God; for if righteousness comes through the law, then Christ died in vain” Galatians 2:21," panimulang caption ni Juancho.

"No wasted opportunity, no accidents by the Grace of God alone. As one brave soul speaks, in context of the bible, of truth - the word that has been here way before all of us was even born. I truly believe that, Jesus loves you and cares for you, no matter where you are in life and no matter what you have done, because we are HIS children. We just need to walk with him."

"I stand by, and even before my wife through good times and especially difficult ones. By the Grace of God and for his Glory, nothing will be in vain," aniya pa.

Si Juancho ay mapapanood bilang "Padre Salvi" sa trending na teleserye ngayon ng GMA Network na "Maria Clara at Ibarra" na hango sa nobela ni Dr. Jose Rizal na "Noli Me Tangere".