Nag-uwi man ng tiba-tibang insentibo kasunod ng makasaysayang Olympic gold medal noong 2021, aminado ngayon ang Pinay weightlifting champion na si Hidilyn Diaz na kapos muli ang pondo para sa kaniyang team, mahigit isang taon bago ang 2024 Paris Olympics.

Ito ang ibinihagi ng golden athlete sa kamakailang media roundtable para sa isang brand.

Pagpupunto ni Diaz, hindi awtomatikong kuwalipikado sa global meet kaya’t ilang qualifying round ang kailangan niyang paghandaan.

“Kailangan ko ng team. Paano na 'yung coaches ko sa likod? Hindi naman pwede na ibang coaches ang kasama ko na hindi ako kilala. Paano 'yung pagkain ko? Nag-a-add ako ng weight. Nutrition really helps sa laro, tapos 'yung sports psychologist. So kailangan ko ng team,” pagbabahagi ni Diaz sa kamakailang media rountable ng ini-endorsong Under Armour.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Batanes

Dagdag niya, “Kung dadalhin mo yung team mo sa ibang bansa, kailangan mo isipin 'yung ticket nila. Mahal ang ticket ngayon. Lalo pa ngayon sa IWF World Championships ngayon sa Bogota. Ang dami naming kailangan iconsider.”

Saan napunta ang milyun-milyong insentibo? Diretsahang sagot ni Diaz: “Iniisip kasi ng iba, ‘oo nga nanalo ka na ng gold. 'Yung napanalunan mo 'yun ang gagastusin mo.’ Pero siyempre pa'no ka makakapag-ipon para sa sarili mo, after ng career mo, paano na lang? Hindi siya sustainable kung 'yung ipinanalo ko ang gagastusin ko.”

Bago ikasal noong Hulyo 26, matatandaang diretsang sinabi ng weightlifting star na handa na siyang maging isang ina sa magiging supling ng kanyang coach-husband Julius Naranjo.

Basahin: Hidilyn Diaz, handang iwan ang maningning na karera para bumuo ng sariling pamilya – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Tiwala naman sa sarili ang Pinoy athlete para sa kaniyang "last lift."

Basahin: Hidilyn Diaz, tiwala sa sarili para sa kaniyang ‘last lift’ sa 2024 Paris Olympics – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid