Kinaaliwan ng mga netizen ang "words of wisdom" ng motivational speaker/financial expert/book author na si Chinkee Tan tungkol sa sahod at mga bayarin.

Ibinatay niya kasi ito sa naging kontrobersyal na pahayag ni Ilocos Norte 1st District Representative Sandro Marcos patungkol sa piso at dolyar.

"The peso is not weak, because the peso is weak. The peso is weak because the dollar is strong," bahagi ng naging pahayag ng panganay sa tatlong anak na lalaki nina Pangulong Bongbong Marcos at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos.

Saad ni Chinkee Tan sa kaniyang Facebook post noong Biyernes, Oktubre 14, "Your SAHOD is not weak because your SAHOD is weak. Your SAHOD is weak because the BAYARIN is strong."

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

"Sumakay" naman dito ang mga netizen sa comment section ng kaniyang FB post.

"Our SAHOD is not weak because our SAHOD is weak. Our SAHOD is weak because DUE-DITH and BILLY-HIN are strong."

"My sahod is strong but my bayarin is too much stronger, now my wallet is weak and I can't hold my sahod to stay inside."

"Your bayarin is strong because your LUHO IS STRONGER. Less expenses will make you SAHOD strong."

"Sahod is not weak because it is weak, sahod is weak because no sahod raise to increase while inflation is raising to the strongest ever."