Sa isang Instagram reel tampok ang mga intimate moments ng showbiz couple idinaan ni actor-hunk Dominic Roque ang maagang pagbati sa kaarawan ng girlfriend na si Kapuso actress Bea Alonzo.

Sa maikling video, makikita ang tila point of view (POV) ni Dominic sa mga pagkakataong kasama ang girlfriend sa ilan na nilang travels sa loob at sa labas ng bansa.

Glowing ang Kapuso actress kasama ang aktor sa ibinahaging reel.

“Happy happy birthday my love…❤️ Una na ‘ko. 😘 I love you. ❤️” mababasa sa caption ni Dominic.

Diana Zubiri, 'di pinagsisihang nagsimula bilang sexy actress

Sa Lunes, Oktubre 17, ipagdiriwang ni Bea ang ika-35 kaarawan.

Agad na bumuhos ang pagbati ng fans at ilang showbiz friendssa Instagram post ni Dominic.

“Ang gandaaaaa 😭♥️ happiest birthday po, Ate 💕,” komento ni Sue Ramirez.

“Happy birthday@beaalonzo❤️” pagbati rin ni DJ Chacha.

Nag-iwan din ng heart emoticon si Kapuso actress at kapwa “Start-Up” star na si Yasmien Kurdi sa nasabing IG post.

Sa pag-uulat, pinusuan na ng nasa 64,000 netizens ang nakakakilig na pagbati ng aktor kay Bea.

Matatandaang noong 2021 lang inamin ni Bea ang relasyon nila ni Dominic.

“What I really appreciated about Dom, I know he really exerted an effort paramagpakilala sa buong pamilya ko, especially sa nanay ko,” pagbabahagi ni Bea sa isang panayam ng PEP noong nakaraang taon.

"Nakita naman ni Mama na maganda ang intensyon. Siyempre tinanggap talaga ni Mama.

"I'm happy naging ganito dynamics namin lahat. Kasi siyempre, pag okay sa pamilya mo, magaan lahat. Everything follows. Masarap sa pakiramdam,” anang Kapuso actress.